NAGA CITY- Muling inalala ng marami ang anibersaryo ng kapanganakan ng isa sa mga champion sa puso ng mga taga Naga at maraming Bicolano… Jesse Manalastas Robredo.
Sa maikling programa kahapon Mayo 27, 2022 sa Museo ni Jesse, ibinahagi ng ilang mga opisyal kung paano nila naging insperasyon ang nasabing dating Alkalde ng Naga at kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) pagdating sa good governance.
Kilala ang kalihim sa palaging pagkonsulta sa mamamayan, sa transparency at pakikisama ng simple sa komunidad. Katunayan tawag sa kaniya ng iba ay “pogi”.
Sa video message ni VP Leni, pinasalamatan nito ang mga kumikilala pa rin sa mga legasiya ng namayapang asawa kahit sampung taon na ang nakakaraan ng masawi ito sa pagbagsak ng eroplano sa karagatan ng Masbate.