Nagtala ng Department of Health (DOH) ng 209 na mga bagong kaso ng COVID-19 infections, dahilan para lomobo pa ang kabuoang caseload sa 3,689,865.
Batay sa bagong datos ng DOH, muling tumaas ang active infections sa 2,422 mula sa 2,323 noong Huwebes.
Naiulat rin ng DOH na mga nangungunang rehiyon na may mataas na mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) sa 989 sinundan ng Region IV-A sa 355 at Region III sa 272.
Samantala, mas marami namang pasyente ang gumaling mula sa viral disease, dahilan para tumaas ang recovery tally sa 3,626,988, habang ang death toll ay tumaas pa sa 60,455.
Sinabi rin ng ahensya na bed occupancy rate sa bansa ay nasa 17.5%, kung saan 5,388 na mga higaan ang okupado, habang 25,342 naman ang bakante.
