Kapalaran ng IATF nakadepende sa susunod na administrasyon

DOH, ipauubaya na sa susunod na administrasyon kung ipagpapatuloy ang operasyon ng National Task Force against COVID-19

Ipauubaya na ng Health Officials sa magiging susunod na administrasyon ang magiging kapalaran ng mga task-force at ahensya na itinatag para sa pandemic response ng Gobyerno.

Ayon kay National Vaccination Operations Center o NVOC chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nasa kamay na ni President-elect Bongbong Marcos at ang magiging bagong Gabinete nito kung mananatili ang NVOC at ang National Task Force against COVID-19.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Matatandaaang binuo ang NTF vs COVID-19 noong unang bugso ng pandemya sa bansa para mabalangkas ang mga programa at hakbang para mapabagal ang pagkalat ng nakahahawang virus; habang ang NVOC naman ay itinatag para matutukan ang bakunahan sa Pilipinas.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Ayon kay Cabotaje, handa sila sa magiging order ng susunod na mga Kalihim at Cabinet Officials kung ire-reorganize ba ang inter-agency task force na ito, o kung magkakaroon ba ng restructuring.

Sa ngayon, pinaghahandaan umano nila ang pagtu-turnover ng mga dokumento at iba pang pag-aaral para sa susunod na health officials nang sa gayon ay matiyak na magtutuluy-tuloy pa rin ang pandemic response para sa mga Pilipino.