VP Leni Robredo hinimok ang mga newly graduate sa isang pribadong eskwelahan sa Camarines Norte na labanan ang kasinungalingan at disinformation

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga newly graduate sa isang pribadong eskwelahan dito sa bayan ng Daet na magsalita laban sa pagkapoot, kasinungalingan at disinformation na laganap ngayong panahon.

Sa recorded Commencement address sa mga estudyante ng Mabini Colleges sa katatapos lang na 82nd Commencement Exercises sinabi ni VP Robredo na dapat igiit ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Dapat aniyang ituon ang enerhiya at lakas sa mga makabuluhang bagay tulad ng paglilingkod at pagmamalasakit sa kapwa, pag alam sa pangangailangan ng komunidad at bolunterismo.

Hinikayat rin ng Pangalawang Pangulo ang mga newly graduate na huwag hayaan ang napakaraming balakid sa buhay para pigilan ang pag abot sa mga pangarap at sa katunayan ay dapat pa nga aniyang mangarap ng mas malaki hindi lang para sa sarili at pamilya kundi para sa bayan.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Humingi naman ng paumanhin ang opisyal dahil hindi ito nakadalo ng personal sa Commencement Exercises.

Abala raw kasi ngayon ang kaniyang opisina sa on- going transition.

Nakatakdang bumaba sa pwesto si Robredo sa tanghali ng Hunyo 30 at papalitan siya ni Vice President- elect Sara Duterte.

Photos: Mabini Colleges fb