Problema sa laging mahabang pila sa opisina ng DSWD tinutugunan na ng pamunuan nito

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kanila nang tinutugunan ang problema sa laging mahabang pila ng mga humihingi ng tulong sa kanilang opisina partikular sa Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).

Sa isinagawang Media Forum sa bayan ng Daet nitong Huwebes, Hunyo 17, sinabi ni Regional Director Leo Quintilla na hindi lang sa Camarines Norte problema ang mahabang pila kundi sa halos lahat nilang opisina.

Aniya, hindi naman sila nagpapabaya at unti- unti na itong tinutugunan

Inihalimbawa ni Quintilla ang ipinapatupad sa kanilang opisina sa Legazpi City kung saan mayroon nang electronic cueing system.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ini- schedule na umano nila ang appointment kung anong araw at oras at itong sistemang ito ay pinag- aaralan na ring ipatupad hindi lang sa Legazpi City.

Bukod dito  sa naturang Lungsod din ay sa Mall na ang pila ng mga humihingi ng tulong sa AICS kaya mas komportable na ito.

Ayon pa kay Quintilla sa unang  quarter pa lang ng 2022 ay dinagsa talaga ang opisina ng DSWD nang mga humihingi ng tulong.

This first quarter of 2022 dinagsa po talaga ang DSWD nang mga kliyente in fact po yung target natin for 2022,  first quarter pa lang ay natugunan na, ubos na, na -reach na natin yung target natin for the year,” ani Quintilla.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Isa pa umano sa mga innovation na ginagawa nila ngayon ay tingnan kung paano mas mapapabilis na matugunan ang mga humihingi ng tulong at ang paghahanap ng mas malawak na opisina at ito aniya ay nangyari na sa Masbate at Naga City.

Sa panig naman ng DSWD Provincial Field Office ay sinabi ni OIC Pantawid Provincial Link at SWAD Team Leader Claudio Villareal na nagdi deploy na rin sila ng social worker para tumulong sa AICS.