VP-elect Sara Duterte at VP Leni Robredo, tinalakay na ang transition

Kinumpirma ng kampo ni Vice President-elect Sara Duterte na pormal na itong nakipagpulong sa tanggapan ng Office of the Vice President at ng Department of Education, isang buwan bago ito manumpa sa puwesto.

Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Liloan Mayor Christina Frasco, ito ay bahagi ng transition process para sa pagsasalin ng mga tungkulin sa oras na umupo na si Duterte bilang VP at Education Secretary.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ito aniya ay para matiyak na magkakaroon ng ‘smooth, orderly, at comprehensive transition’.

Kaugnay nito, hindi na itutuloy ang ilang mga social welfare programs ng OVP na unang itinatag ni Vice President Leni Robredo para tulungan ang ating mga kababayan.

Mula Hunyo, hindi na muna tatanggap ang OVP ng mga aplikasyon para sa medical at burial assistance upang magbigay daan sa transition process.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sa susunod na linggo pa inaasahang makababalik si Robredo sa bansa matapos itong dumalo sa NYU graduation ng kanyang anak na si Jillian na nagtapos ng double degree.

Sa ngayon, inihahanda na ang San Pedro Square sa Davao City para sa panunumpa ni Duterte sa June 19.
#