NTC, inatasan ang mga telcos na mag-isyu ng warning vs fake job offer scams

Nag-isyu na ng order ang National Telecommunications Commisison sa lahat ng mga telco firms sa bansa na maglabas ito ng babala sa publiko laban sa mga pekeng job offers.

Ito ay makaraang maging talamak kamakailan ang mga scam text blasts na kung saan ay mayroong mga iniaalok na trabaho, ‘o ‘di kaya nama’y sinasabing natanggap ang isang job application na mayroong kaakibat na malalaking pasahod.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa pahayag, inatasan na ng NTC ang mga malalaking telco companies sa Pilipinas na paalalahanan nila ang kanilang mga customer at users na magingat sa ganitong uri ng pekeng job offerings.

Bago ito, una nang kinalampag ni Senador Joel Villanueva ang NTC para aksyunan na ang modus na ito.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Umapela ang mambabatas na gawan ng paraan ng NTC ang mga scam job offers na isa umanong malinaw na paglabag sa privacy ng isang Pilipino.

Sa kasalukuyang estado raw kasi ng mataas na unemployment sa bansa at talamak na digital disinformation, hindi malabong maraming mga Pilipinong gustong magkatrabaho ang mabibiktima ng ganitong mga budol scams.
#