Bahagyang dumami ang bilang ng mga nao-ospital sa Pilipinas matapos itong ma-infect ng COVID-19.
Ito ang kinumpirma ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. President Dr. Jose de Grano sa #LagingHanda public briefing.
Aniya, mayroong ‘slight increase’ sa mga hospital admissions ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin sila nababahala dahil ‘manageable’ pa rin ito ng mga pribadong ospital.
Samantala, pinaghahandaan naman umano ng mga private hospitals ang posibleng pagkakaroon ng admission ng mga monkeypox cases.
Dahil wala pa ring bakuna sa ngayon kontra sa monkeypox, inihahanda umano nila ang ‘supportive treatment’ para sa mga mai-infect nito, pati na rin ang mga isolation facilities sa kanilang mga pasilidad.
#
