VP Duterte, nakiisa sa mga Pilipino at sa lumalang karahasan sa Gitnang Silangan

Nakikiisa si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga mamamayang Pilipino at sa pandaigdigang komunidad sa pag-aalala sa lumalalang karahasan sa Gitnang Silangan.

Sa inilabas nitong video message sa kanyang Facebook account, nanawagan si Duterte sa mga Pilipino na ipahayag ang tigil-putukan at dalhin ang usapin sa mapayapang paraan.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Habang may nangyayaring giyera sa Israel laban sa grupong Hamas ay hindi naman nito binanggit sa kanyang bidyo.

Bukod dito, pinaghahanda rin ng Bise Presidente ang mga Pilipino sa posibleng maranasang kahirapan dulot ng pandaigdigang kaguluhan.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa huli, binigyang-diin ni Duterte ang kapayapaan para sa mga bata at para na rin sa kinabukasan ng bansa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor at iba’t ibang bansa at maging sa pandaigdigang kumunidad.