Sen. Jinggoy Estrada, naghain ng panukala na gawing institusyonal ang ‘Sea wardens’

Naniniwala si Senate Committee on National Defense and Security, Senator Jinggoy Estrada na kulang pa rin ang kasalukuyang bilang ng mga military at coast guard vessels na nagbabantay sa maritime territory ng Pilipinas.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Kaugnay nito, naghain si Estrada ng panukalang batas na naglalayong gawing institusyonal ang lahat ng mga ‘Sea wardens’ o ‘Bantay Dagat’.

Sa ilalim ng panukalang batas 2464 o Bantay Dagat Welfare and Incentives Act ay kinakailangang ding maglaan ng pondo ng lokal na pamahalaan sa benepisyo at insentibo ng mga wardens at maging ng kanilang operational requirements.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon sa senador, sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng force multipliers sa mga civilian law enforcement agencies na pumoprotekta sa ating karagatan.