VP Duterte, hindi pa umano lusot sa nalalapit na national budget deliberations

Inihayag ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas na kailangan rin umanong dumalo ni Vice Pres. Sara Duterte sa mga paparating na budget deliberations ng Department of Education sa kabila sa kanyang pagbitiw bilang kalihim ng ahensya.

Read More:  VP Sara keeps former President Duterte away from impeachment discussions

Ayon kay Brosas nararapat lamang na ipaliwanag ni Duterte ang mga isyu kaugnay sa malubhang sitwasyon ng sektor ng edukasyon sa bansa.

Dagdag pa niya, kailangan din daw busisiin ang bagsak na performance ng DepEd at krisis na kinakaharap ng edukasyon sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Read More:  DepEd launches disaster risk platform

Kaugnay ito sa mababang rank na nakuha ng Pilipinas pagdating sa creative thinking ng Program for International Student Assessment.