Ex- VP Leni Robredo, iginiit na hindi tatakbong Senador

NAGA CITY- Isinara na ni Former Vice President Atty. Leni Robredo ang pintuan sa posibilidad ng pagtakbong Senador sa 2025.

Ito ang naging sagot sa tanong ng Brigada News FM Naga matapos ang pahayag sa media ni Liberal Party Pres. at Albay 1st Representative Edcel Lagman na tatakbo si Robredo bilang Mayor ng lungsod.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Aminado itong nabigla siya  sa naging anunsyo ni Congressman Lagman dahil hindi pa aniya siya pormal na nakakapag paalam sa mga kinabibilangan niyang organisasyon at maiiwang obligasyon.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Gayunpaman, ito aniya ang kaniyang preference na paghahandaan upang ipagpatuloy ang legasiya ng kaniyang pumanaw na asawang si dating Naga City Mayor at Department of Interior and Local Government o DILG Sec Jess Robredo, batid na aniya ito ng Liberal Party.