Aprubado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority na gawin munang libre ang pagdaan ng mga motorista sa bagong bukas na CAVITEX C5 Link Sucat Interchange.
Ayon sa Pangulong magiging 30 araw o isang buwan ang itatagal ng libreng toll.
Sakop aniya nito ang lahat ng uri ng sasakyan na babagtas ng Manila – Cavite toll expressway sa Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor at Kawit sa Cavite.
Makakatulong aniya ang naturang suspensyon para mabawasan ang epekto ng tumataas na presyo ng gasolina sa mga motorista.
