VP at Education Sec. Duterte, pinaiimbestigahan na rin ang outdated laptops procurement

Pinaiimbestigahan na rin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagbili ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) ng mga mamahalin at outdated laptops para sa Department of Education noong 2021.

Sa isang press conference, sinabi ni, DepEd Undersecretary Epimaco Densing na nagsumite na sila ng fraud audit request sa Commission on Audit (COA) para sa naturang laptop issue.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Sinabi ni Densing na ipinag-utos ni VP Duterte ang imbestigasyon dahil laging ang DepEd daw ang nadadawit sa isyu fayong ang PS-DBM naman daw talaga ang bumili ng mga laptop na ito para sa DepEd.

Binigyang diin ni Densing na isa sa pinaka-importanteng proseso ng pag-procure ay ‘yung tinatawag namarket scanning.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Ibig sabihin daw nito, kapag nagpo-procure, bago bumili, kailangan ng ahensya partikulara ang PS-DBM na magtanong sa merkado kung magkano ba ang laptop at ano ang specification nito.

Sinabi pa ni Densing na nakakaramdam din sila ng galit, sa bahagi nila sa DepEd kung sakali mang totoo na may anomalya sa pagbili ng mga nasabing laptop.
#