Pormal nang inilunsad ngayong araw ang Oplan Balik Eskwela 2022 na layong tiyakin ang kahandaan ng mga paaralan, at iba pang mga concerned agencies para sa pagbubukas ng school year 2022-2023.
Kinumpirma ni Education Undersecretary Epimaco Densing na binksan nila ang mga OBE Command Center para mabilis na makaresponde sa mga pangangailangan ng mga magulang at mga estudyante.
Dumalo rin si Vice President and Education Secretary Sara Duterte, pati na rin ang iba’t ibang representatives mula sa DOH, DSWD, DPWH, PNP, DOTr, MMDA, at DOE para masigurong plantsado na ang mga pangangailangan ng mga learners at mga magulang nito sa pagbubukas ng klase at ang resumption ng face-to-face classes sa Nobyembre.
Sinabi ni Dr. Alfonso Miguel Regala ng DOH-Health Promotion Bureau na mayroon na itong mga inilatag na mga hakbang para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga estudyante.
Mayroon din umano silang tinatawag na ‘setting-based strategy’ kung saan ay mababakunahan ang mga learners sa mga paaralan.
Sa hanay naman ng PNP, tiniyak ni Brig. Gen. Arnel Libed, Deputy Director for Police Community Relations, na mahigpit ang seguridad sa mga paaralan, at magtatayo rin ito ng mga command posts sa ma major thoroughfares.
Tiniyak din ng DOTr na mayroong sapat na masasakyan ang mga paaralan para sa kanilang pagpasok sa eskwela.
Para sa DoE, sinigurong nitong hindi magkakaroon ng power interruption sa pagbubukas ng klase.
#