Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong mga mahihirap sa nagdaang taon.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, naitala ang poverty incidence sa 18.1% nitong taong 2021.
Katumbas ito ng 19.99 million na mga mahihirap na mga Pilipino.
Mas mataas ito sa 16.7% na poverty incidence noong 2018 na katumbas ng 17.67 poor Filipinos.
Ang isang pamilya na mayroong limang miyembro ay kailangan ng P12,030 kada buwan para ma-meet ang mga basic needs; habang P8,379 naman para sa basic food needs.
Noong 2021, may anim na probinsyang napabilang sa pinakamahirap na cluster kabilang ang Agusan del Sur, Basilan, Davao Occidental, Sarangani, Sulu at Zamboanga del Norte.
Samantala, ang bilang ng mga mahihirap na pamilya noong 2021 ay nasa 3.50 million – tumaas mula sa 3 million na pamilya noong 2018.
Region VII ang mayroong pinakamalaking pagtaas na poverty among families noong 2018 hanggang 2021; habang Metro Manila ang mayroong pinakamababa sa 2.2%; at BARMM ang may pinakamataas sa 29.8%.
#