NAGA CITY- Sinuspinde ng mga simbahan sa Naga City ang public masses, binyag, kasal pati mga misa sa Barangay dahil sa Weekend Lockdown na simula na alas-9 ng gabi nitong biyernes hanggang alas-4 ng umaga sa Lunes.
Ang mga simbahan na unang nagpalabas ng abiso ay ang Our Lady of Peñafrancia Parish, mayroon namang live streaming ng private mass kung saan ang presider, readers at servers lamang ang naroroon. Gayundin ang Naga Metropolitan Cathedral, sarado rin ang simbahan para sa mga magsisimba pati na rin ang patio para sa mga paparada ng kanilang mga sasakyan.
Mananatili namang bukas ang Parish of St. Jude Thaddeus subalit suspendido rin ang public masses, binyag at kasal.
Pinapayagan ang funeral mass subalit limitado sa pamilya ang papasukin sa simbahan.
May parehong abiso ang Immaculate Conception Parish at Holy Cross Parish Tabuco.
Ang hakbang ay nakaangkla sa Executive Order No. 2021-026 o pagsasailalim sa weekend ECQ ng lungsod.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Father Louie Occiano, head ng Caceres Commission on Communication, binigyan diin nitong tuwing weekdays ay balik sa mga patakaran sa General Community Quarantine o GCQ kaya ang mag naka schedule sa kasal at binyag ay mag pa reschedule na hindi rin kasi alam kung hanggang kailan ang weekend lockdown.
Mababatid na ayon sa Health Emergency Response Task Force tatagal ito hanggang sa mapababa ang COVID-cases.