Voters registration para sa SK & barangay election, samantalahin- Provincial Comelec

Hinihikayat ng Provincial COMELEC ang mga edad 15-17 na magpa-rehistro sa SK at 18 anyos sa regular election sa voter’s registration.

Ayon kay Jomel Ordas ng COMELEC, hanggang sa July 23, 2022 lamang simula kahapon ang voter’ registration para sa Barangay & Sk election sa December.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Ipinaalala ni Ordas na bawal nang magpa-rehistro 120 araw bago ang regular na eleksyon o bago ang December 5, 2022.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang kinakailangan dalhin para sa voter’s registration at valid ID o anumang government issued IDs na mayroong photograph at lagda.

Samantala, ang mga 15-17 anyos o estudyante  ay pwede nang magdala ng school ID o library ID, ayon pa kay Jomel Ordas.