LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Environmental Management Bureau (EMB) Bicol na hindi mabibigyan ang mga quarry operator sa lalawigan ng Albay kung walang area of status clearance.
Ayon sa tanggapan, hindi maiissuehan ng environmental compliance certificate ng emb kung walang area of status clearance mula sa mines and geosciences bureau (MGB) ang mga ito.
Nilinaw rin nito, ang ECC ay hindi ito permit to operate ito ay isa lamang sa planning tool na mayroong kondisyon na dapat iapply valid to quarry permit na inissuehan mula sa opisina ng Governor, Mayor permit, dpwh clearance at barangay clearance kung kinakailangan.
Ipinagbabawal rin ang pagquarry na malapit sa tulay, river banks o seawall.
Paalala rin sa mga operator, hindi dapat itinatago ang ibinigay na ECC permit at kailangan basahin o imonitor ng mga ito kung ano ang compliance o kondisyons sa nasabing permit.
Maliban pa rito, kinakailangan rin magsumite ng semi annual na compliance monitoring report (CMR) at mayroon din dapat na designated na pollution control officer.
Sa ngayon mayroong kabuuhang 160 operators ang nabigyan ng permit sa lalawigan.