CAMARINES NORTE- Nakatakdang isagawa sa Lunes, Pebrero 21 ang demo sa paggamit ng Vote Counting (VCM) sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte bilang bahagi ng paghahanda sa May 2022 National and Local Elections.
Batay sa abiso ni Election Officer III Farrah Guzman, imbitado sa naturang aktibidad ang lahat ng kandidato, political parties, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at iba pang election stakeholders.
Bukas din aniya ito sa publiko o kahit na sinong gustong manood.
Gagawin ang aktibidad alas 9 ng umaga sa Jimmy P Lo Sports Complex sa naturang bayan.
Layon ng aktibidad na ipakita sa publiko ang aktuwal na pagamit ng VCM at ang features and security upang ang mga botante, kandidato at iba pang election stakeholders ay maging panatag sa resulta ng botohan
Una na ring nagsagawa ng demo sa ibang mga bayan tulad ng San Lorenzo Ruiz at San Vicente habang mamayang hapon naman ay sa bayan ng Basud.
