NAGA CITY- Nagpapatuloy ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga edad 5-11 anyos sa Bicol Medical Center sa Naga City. 160 ang inisyal na nabigyan ng Pfizer reformulated dose sa unang araw.
900 ang inaasahang ng BMC na matuturukan hanggang ngayon Feb. 16, 2022. Katuwang ng BMC ang Department of Health-Bicol, Naga City Government at Provincial Health Office ng Camarines Sur.
Ang Department of Pediatrics nag set up ng Children’s Party-themed vaccination area para maging relax ang mga bata na tatanggap ng bakuna. Ang mga healthcare personnel nagsuot ng costume at headdresses ng mga kilalang cartoon characters.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Nathalie Lazaro ng vaccination team, maganda ang reception lalo na mga anak o malapit na kaanak ng frontliners ang unang batch. Naniniwala rin na may mga mahihikayat din ang mga batang naturukan base sa kanilang karanasan.
Samantala ngayong araw, aarangkada na rin ang bakunahan para sa parehong age group sa Capitol Complex ng Camarines Sur. Kailangan ang patunay ng relasyon sa bata o sa anak, ID ng bata o birth certificate, ID ng magulang o guardian, Medical certificate kung may comorbidity ang babakunahan at sympre facemask gayundin ang faceshield.