VNL, babalik sa Maynila ngayong Hulyo

Babalik sa Maynila ang Volleyball Nations League (VNL) para itampok ang elite volleyball action sa July 4 hanggang July 9.

Ang week 3 ng VNL ay gaganapin sa Pilipinas, kung saan ang Mall of Asia Arena ang nakatakdang mag-host ng kompetisyon.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Ayon kay Philippine National Volleyball Federation president Ramon ‘Tats’ Suzara, kabilang sa mga koponan na sasabak sa bansa ay ang Italy, Poland, Brazil, Slovenia, at fan-favorites Japan, na winalis ang lahat ng laro nito sa unang dalawang linggo ng tournament.

Kasama rin sa Maynila ang Canada, Netherlands, at China.

Read More:  Young fencers to compete in Developmental Tournament in Mandaluyong on October 25

Ang Finals ng VNL ay gaganapin sa Poland mula July 19-23.

Samantlala, bilang paghahanda sa kompetisyon, sasabak ang Philippine Men’s national volleyball team na kinabibilangan nina Marck Espejo, Jao Umandal, Steven Rotter, at Ryan Ka sa isang closed-door exhibition matches laban sa Netherlands at China.//CA