
Nasa Australia na ang Gilas Pilipinas Women para sumabak sa FIBA Women’s Asia Cup 2023.
Ayon kay Gilas Women’s head coach Pat Aquino, inaasahan niyang makakasama ng koponan ang Filipino-American guard na si Vanessa de Jesus.
Si De Jesus ay naglaro para sa Duke University sa North Carolina at noong nakaraang linggo ay kinumpirma ang kanyang pangako sa Gilas Women.
Noong 2021 na edisyon ng FIBA Women’s Asia Cup sa Jordan, tinalo ng Gilas Women ang India, 74-70, upang manatili sa Division A.
Ngayong taon, nakuha sila sa Group B ng tournament , kasama ang host Australia, Japan, at Chinese Taipei.
Bubuksan nila ang kanilang kampanya laban sa Australia sa June 26 sa State Sports Center sa Sydney.//CA