Vinzons PNP sa Camarines Norte nagbigay seguridad sa isinagawang brgy visitation ng lokal na pamahalaan

CAMARINES NORTE- Nagbigay ng seguridad ang kapulisan ng Vinzons Municipal Police Station, katuwang ang Lokal na pamahalaan ng Vinzons, Camarines Norte sa isinagawang barangay visitation, RESBAKUNA, pagpoproseso ng National I.D. at Senior Citizens Pay-out nitong nakatalkod na miyerkules sa bayan ng Vinzons.

Nagsagawa rin ng dialogo ang mga kapulisan ng nasabing bayan sa mga residente tungkol sa mahigpit na pag papatupad ng IATF Guidelines upang masugpo ang COVID-19.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Pinaalalahanan rin ang bawat isa na sumunod sa patakaran at ipinaliwanag ang kaparusahan sa mga posibleng lalabag sa nasabing alituntunin.

Bukod rito ang Vinzons PNP ay nakiisa rin sa ginanap na Dance Exercise sa Vinzons, Pilot High School (VPHS), kasama ang LGU Vinzons opisyales ng  barangay 2 Poblacion, mga guro at estudyante, at iba pang health enthusiast.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang programa ay isinagawa bilang paghahanda para sa Regional Nestle Wellness Campus Program Competition ng nasabing paaralan para sa taong 2021-2022.

Layunin nito ang aktibong partisipasyon ng komunidad, pamahalaan at iba pang indibidwal.