Vaccination site sa bayan ng Basud dinagsa nitong Biyernes ng mga magpapabakuna kontra COVID- 19 na edad 14- 17 anyos

CAMARINES NORTE- Dumagsa ang mga kabataan na edad 14- 17 anyos kasama ng kanilang mga magulang sa Basud Sports Complex nitong Biyernes para magpabakuna kontra COVID- 19.

Maaga pa lang ay matiyaga nang pumila ang mga magpapabakuna sa labas ng Sports Complex para makakuha ng numero.

Aabot sa mahigit kumulang 600 mga kabataan ang nabakunahan ng Pfizer liban pa sa adult population na naka schedule ng kanilang first dose ng AstraZeneca at second dose ng Sinovac.

Dahil sa dami ng tao, may mga pagkakataong hindi na nasusunod ang social distancing.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nag -deploy naman ng tauhan ang PNP katuwang ang ilang criminology interns para sa crowd control.

Hindi sabay- sabay na pinapapasok sa loob ng vaccination site kaya kailangang maghintay ng iba sa labas.

Isa sa mga nais nang mabakunahan ay ang 15 anyos at Grade 10 student na si Trisha Mae.

Aniya hindi siya kinakabahan at sa katunayan ay excited pa raw siya na mabakunahan.

Ang kaniyang ina ang siya raw na nagkumbinsi sa kanya na magpabakuna.

Ayon sa kaniyang 57 anyos na nanay, kinumbinsi niya ang kaniyang anak na magpabakuna para na rin sa proteksyon laban sa COVID- 19.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Pero aminado itong hindi pa siya bakunado dahil nang oras na babakunahan dapat siya ay tumaas umano ang kaniyang blood pressure.

Tulad ni Trisha Mae, determinado rin ang isa pang 14 anyos na binatilyo na magpabakuna kontra COVID- 19.

Wala umano itong pagdadalawang isip na magpabakuna para na rin sa kaniyang kaligtasan at bilang paghahanda sa pagbubukas ng face to case classes. Ang kaniyang 50 anyos na  ina na kasama sa vaccination site ay bakunado na rin kontra COVID- 19