Vinzons PNP nakipagugnayan sa LGU bilang tugon sa hiling ng mga residente na magkaroon ng regular na pangongolekta ng basura sa kanilang lugar

CAMARINES NORTE- Nakikipagugnayan sa ngayon ang Vinzons MPS sa lokal na Pamahalaan bilang tugon sa mga ipinaabot na usapin ng basura ng mga residente sa kanilang lugar

Ito ay matapos na magkomento ang ilang mga residente ng naturang bayan sa official facebook page ng Vinzon s MPS na humihiling na sana ay magkaroon ng regular na koleksyon ng mga basura sa kanilang laugar

Dahil dito ay minabuti ng naturang himplian ng pulisya na makipagugnayan sa LGU Vinzons

Tugon naman ng LGU sa pamamagitan ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Designate Mr. Glenn Amaro, ang collection ng basura ay responsabilidad na ng barangay level Base na rin sa nasasaad sa ipinapatupad na  RA 9003 Sec. 17c.

Ayon kay Amaro, kailangan na ihiwalay ang mga nabubulok na basura sa mga di-nabubulok at mga puedeng pakinabangan pa o recyclables.

Nilinaw din nito na ang mga residual lamang ang kokolektahin ng barangay.

Samantala, nangako naman ang Vinzons MPS na magsasagawa din sila ng pakikipag-ugnayan sa mga barangay captains upang malaman ang kanilang mga programa tungkol sa mga disposal ng basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *