Coast Guard personnel na magbabantay sa Calaguas dadagdagan

CAMARINES NORTE- Magdagdag ng personnel ang Philippine Coast Guard na magbabantay sa Calaguas Island na dinarayo ng maraming turista.

Ayon kay Commodore Angel Viliran, Commander ng Coast Guard District Bicol, posibleng magdadagdag umano sila ng tatlong personnel upang masiguro ang kaayusan sa mahabang buhangin na pinaliliguan ng mga turista.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Isa kasi sa mga problema sa lugar ay ang pagdaong ng mga bangka na hindi sumusunod sa mga polisiya.

Ginawa ang pahayag matapos bumisita sa lalawigan ang opisyal noong nakaraang linggo at makarating sa kaniya ang problema s alugar.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Mababatid na pagpasok pa lang ng Abril ay tumaas ang bilang ng mga turistang nagtutungo sa isla hindi lang ng mga taga Camarines Norte kundi maging ang mga nanggagaling sa ibang lugar.

Isa rin ang isla sa ipinagmamalaking tourist destination ng lalawigan na dinarayo tuwing panahon ng tag- init.