Vintage bomb, natagpuan sa bakanteng lote sa Malvar, Batangas

Isang vintage bomb ang nahukay at natagpuan sa isang bakanteng lote sa Barangay San Pioquinto, Malvar, Batangas.

Base sa impormasyon mula sa Malvar MPS, natagpuan ang lumang bomba ng isang nagngangalang Eddie Asor y Nievo, 41 anyos, residente ng nasabing barangay noong Lunes, September 13, 2021.

Read More:  15-year-old admits killing mother found inside abandoned septic tank in Bohol

Matapos matagpuan, agad naman na inireport ng mga barangay tanod sa mga pulis ang vintage bomb.

Base sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na isa itong ‘Japanese Mortar 50mm.’

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Kaugnay nito, agad ding kinuha sa lugar ang vintage bomb ng mga tauhan ng EOD K9 Group, Batangas Provincial EOD.

Samantala, nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa natagpuang vintage bomb.