Naniniwala si Star For All Seasons, Vilma Santos na may future ang kanyang apo na si Baby Peanut sa Showbiz.
Ayon kay Vilma, kapag may camera ay umaarte na kaagad ang bata.
Aniya, nakaka-enjoy rin panuorin si Baby Peanut lalo na ‘pag tumatawa ito at nakakatanggal daw ng pagod.
Sinabi ng Star For All Season na noong una hindi pa siya pumapapel sa kanyang apo dahil gusto nitong i-enjoy muna nina Luis Manzanao at Jessie Mendiola ang parenthood.
Kwento pa ni Vilma, tuwing Sunday ay may family bonding sila ni Baby Peanut.
