Ikinagulat ni Gilas Pilipinas interim head coach at Barangay Ginebra mentor Tim Cone ang balitang nagpositibo si Justin Brownlee sa doping kung saan nakita sa urine sample nito ang carboxy-THC na isang uri ng cannabis.
Ayon kay Tim, hindi nito alam kung pano naipuslit ni Justin ang ipinagbabawal na droga sa China dahil makukulong ito kung malaman ng otoridad doon.
Aniya, hindi ito performance enhancing drugs na maaring makaapekto sa laro ng isang atleta.
Dahil dito, nagpasya na ang pamunuan ng Ginebra na palitan na muna si Brownlee.
Kinuha nito si dating Meralco import Tony Bishop para sa PBA Commissioner’s Cup na lalarga sa Nobyembre 5.
