3 katao, sugatan nang mahulog ang sinasakyang truck sa bangin

Sugatan ang dalawang pahinante at isang drayber nang mahulog ang sinaksayan nitong 10-wheeler truck sa bangin sa Atimonan, Quezon.

Batay sa ulat ng Atimonan Municipal Police Station, patungong Bicol ang truck at may dala-dalang grocery; habang binabaybay ang pababang bahagi ng highway nang bigla na lamang nawalan ng preno hanggang sa tuluyan nang nahulog sa bangin.

Read More:  Two men gunned down at Davao del Norter gas station

Agad namang nagtulong-tulong ang mga pulis at lokal na pamahalaan ng Atimonan upang iligtas ang tatlo at sila’y dinala sa ospital.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Ayon sa otoridad, accident-prone area talaga ang lugar na pinangyarihan ng aksidente.

Photo credits: Bayani Bacuño