Vietnam, mag su-supply ng bigas sa Pilipinas sa loob ng 5 taon

Nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam para sa limang taong pagsusupply ng bigas sa bansa.

Ito ang laman ng memorandum of understanding o MOU on Rice Trade Cooperation na nalagdaan sa pulong nina Pangulong Bongbong Marcos at Vietnam President Vo Van Thuong.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa ilalim ng 5-year trade commitment, maglalaan ang private sector ng Vietnam ng 1.5 milyon hanggang 2 milyong metriko tonelada ng bigas kada taon para sa private sector ng Pilipinas na competitive at abot kayang presyo.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Bukod sa rice trade, inaasahang magpapalitan din ng impormasyon ang Pilipinas at Vietnam sa mga patakaran, plano at regulasyon, at iba pang aktibidad na may kinalaman sa rice-trade.