Vice Presidential Candidate Mayor Sara, bumisita sa Isabela

Bumisita ngayong araw si Davao City Mayor at Vice Presidential Candidate Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa lalawigan ng Isabela.

Lumapag ang sinakyang eroplano ni Mayor Sara sa Cauayan City Airport kaninang umaga kung saan sinalubong siya nina Isabela Governor Rodito Albano III, Vice Governor Bojied Dy at iba pang opisyal. Nagtungo rin ito sa Our Lady of the Pilar Parish Church sa lunsod.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kasama ni Mayor Sara sina Senatorial Candidate Mark Villar, Gibo Tedoro at dating spokesperson Harry Roque. Dumiretso naman ang kanilang team sa Queen Isabela Park sa City of Ilagan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Libo-libong supporter naman ng UniTeam ang dumagsa sa mga venue at nag-abang sa mga kalye upang masilayan si Mayor Inday Sara.

Pagkatapos umano ng aktibidad sa lalawigan ng Isabela ay didiretso na sa Tuguegarao City ang alkalde kung saan nagsagawa rin ng campaign rally si Presidential Candidate BongBong Marcos kahapon.