Kakulangan sa suplay ng abono, dahilan ng mataas na presyo –  FPA

Ipinaliwanag ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) Region 2 ang dahilan ng mataas na presyo ng mga abono na nararansan sa ngayon.

Ayon kay Regional Officer FPA Leonardo Bangad, sinabi niya na batay sa kanilang pag-iikot sa mga fertilizer warehouse ay napag-alaman na halos hindi makasasapat ang supaly para sa dry season.

Aniya, wala umanong “hoarding” dahil wala namang maitatago.

Sinabi niya na ang pagtaas sa presyo ng abono ay dahil sa kakulangan ng suplay nito.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang mga abono aniya ay oil and gas-based kung saan ang mga raw material ay manggagaling pa sa oil producing countries.

Paliwanag pa ni Bangad, aabot sa 995 USD ang halaga ng urea fertilizer bawat metric ton.

Kaugnay nito, wala rin umanong overpricing kundi ang pagtaas ng presyo ay dahil sa shipping cost kung saan 89.9 percent ang para sa customs clearance, 18.49 % added cost, at 10% para sa markup price.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Mahal umano ang presyo sa transportasyon at inuuna din ng mga bansang gumagawa ng abono ang kanilang domestic agriculture.

Aniya, ang bansa ay 93% dependent sa imported fertilizers kung saan 46% dito ay mula sa China.

Tumigil na umano sa exportation ang China dahil kailangan nitong tugunan ang pangangailangan ng kanilang local farmers.