2 bagong kaso ng ASF sa Albay, naitala sa Ligao City

LEGAZPI CITY – Nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng African Swine Fever sa Ligao City, Albay ayon sa City Veterinary Office at Albay Veterinary Office.

Kasunod ito ng balitang natanggap ng AVO mula sa City Vet, kung saan kaagad naman na nagpatupad ng mas mataas na surveillance sa loob ng apektadong lugar at mga karatig barangay nito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kung matatandaan, idineklara kamakailan lamang na ‘pink zone’ na ang lungsod kung saan wala na umanong naiulat na karagdagang kaso mula sa Brgy. Sta. Cruz.

Ngunit nito lamang nakaraang araw, kinumpirma ni Provincial Veterinarian Dr. Pancho Mella na ang dalawang bagong kaso sa lungsod ang nag-udyok sa agarang pagbabantay ng AVO sa pakikipagtulungan ng City Vet.

Idinagdag ni Mella na nagpadala sila ng karagdagang grupo para tulungan ang lokal na pamahalaan na mangolekta ng mga sample ng dugo mula sa mga baboy sa lahat ng operating swine farms at mula sa mga hog raiser sa mga apektadong lugar.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Bukod pa rito, batay sa kanilang pagsusuri sa mga hog buy-and-sell sa lungsod, ang mga nagbebenta mula sa labas ng lungsod ang silang maaaring nagbalik ng virus.