‘Very low’ risk COVID-19 classification sa NCR posible sa Marso – OCTA research

Posibleng bumaba pa sa ‘very low’ risk ang COVID-19 classification sa National Capital Region (NCR) pagsapit ng Marso.

Ito ang nakikita ng independent monitoring group na OCTA Research sa gitna ng patuloy na pagbaba ng daily COVID-19 cases.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, sa kanilang projection ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay maaaring bumaba sa humigit-kumulang 200 sa katapusan ng Pebrero mula sa kasalukuyang average na 600 na bagong mga impeksyon kada araw.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Masasabi umanong nasa very low risk na ang banta ng COVID-19 kung nasa 140 bagong mga kaso na lamang bawat araw ang maitatala.

Kasabay nito nasa 28.6% na lag din ang hospitalization rate sa Metro Manila habang ang rate ng paggamit ng ICU ay bumaba sa 30.8%.