Ikatlong ‘Bayanihan, Bakunahan’ program pinalawig hanggang Pebrero 18

Inanunsiyo ng Department of Health ang pagpapalawig sa ikatlong bahagi ng Bayanihan, Bakunahan program hangang Pebrero 18.

Kasabay nito hinimok ng kagawaran ang mga hindi pa nababakunahang mga mga bata, senior citizen, at mga karapat-dapat nang magpa-booster shot, na magpa-turok na ng bakuna kontra COVID-19 sa panahon ng extended inoculation campaign.

Read More:  Malacañang won’t stop young Filipinos from working abroad

Ayon kay National Task Force Adviser Dr. Ted Herbosa, papayagan sa naturang period ang mga walk-ins.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong tao laban sa COVID-19 bago ang katapusan ng Marso.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Sa tala ng DOH, halos 60 milyong tao na ang nakakumpleto ng pagbabakuna habang walong milyon naman ang nakatanggap na ng booster doses.