Vergeire, inaasahang mananatili bilang DOH OIC matapos ang December 2022

Inaasahang mananatili si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge sa state health agency kahit pa matapos ang taong 2022.

Binigyang diin ni Vergeire na hindi siya saklaw sa Memorandum Circular No. 3 na inilabas ng Malacanang noong Hulyo.

Read More:  Champi may regain super typhoon strength before entering PAR

Nakasaad sa naturang memorandum ang pagpapalawig sa kapangyarihan ng Officers in Charge hanggang December 2022, maliban kung may maitatalaga nang papalit.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Paliwang naman ni Vergeire, na ang naturang memorandum ay para lang sa mga non-CESO (Career Executive Service Officer) na naka-upo sa CESO position.

Dagdag nito, walang deadline na ibinigay nang kunin siya bilang DOH OIC. //MHEL PACIA