TESDA, ipinagmalaki na 86% ng kanilang mga grad ay nakakuha ng mga trabaho

Ipinagmalaki ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na ang employment rate ng kanilang graduates ay pumalo na sa 86%.

Ayon kay TESDA deputy director general Aniceto “John” Bertiz III, na ang lahat ng graduate ng TESDA ay nakakuha na ng trabaho hindi lamang dito sa ating bansa pati na rin sa ibang bansa.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Dagdag ni Bertiz, na pinaprayuridad ng TESDA ang pag-produce ng workers sa larangan ng agrikultura, konstruksyon, information technology, business process outsourcing, healthcare, at tourism.

Read More:  DOTr to pilot cashless payment system on EDSA Busway

Sa ngayon, isinusulong din umano ng TESDA ang mga kurso na makakatulong tungo sa fourth industrial revolution at magbibigay ng microcredentials para sa mga job applicants.

Matatandaan na kamakailan, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bahagyang bumaba ang bilang ng mga unemployed Filipinos noong Oktubre. //MHEL PACIA