DOTr, target na magtalaga ng designated bus lanes sa Commonwealth, iba pang probinsya

Target ng Department of Transportation na magtalaga ng designated bus lanes na kapareho sa EDSA Carousel, sa mga major thoroughfares sa Cebu, Davao, Cagayan de Oro, at Metro Manila, gaya sa Commonwealth Avenue.

Ito ang tugon ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa pagdinig ng Commission on Appointments nang matanong ni Senator Risa Hontiveros kung bakit ang EDSA lang ang thoroughfare na mayroong dedicated bus lane.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ayon kay Bautista, maganda ang naging resulta ng EDSA Carousel, kaya pinag-uusapan nila sa road sector ang planong pagkakaroon ng dedicated bus lanes sa major thoroughfares gaya sa Quezon Avenue at Commonwealth Avenue, na kabilang sa mayroong malalapad na mga kalye sa Metro Manila.

Ito umano ay para mabigyan ng gobyerno ng mabilis na transportasyon ang publiko, gaya halimbawa sa EDSA Carousel na hindi na aabot sa 30 minuto ang biyahe mula North Ave. hanggang Ayala.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dahil dito, natuwa naman si Hontiveros sa pahayag ni Bautista, at sinabing maaring i-adopt at ipatupad ng gobyerno ang best models ng Jakarta, Indonesia na nagtalaga na ng 388 kilometers ng kanilang kalsada bilang bus lanes. //MHEL PACIA