Venue para sa Online Sabong, minomonitor sa Naga City

NAGA CITY-  Minomonitor ng Naga City Police Office ang venue ng online sabong o lugar ng talpakan.

Ito ay ayon kay PSMS Toby Bongon, Spokesperson ng NCPO. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Bongon na kung mayroon nang pormal na kautusan na nagsasabing permamenteng ipinapatigil ang online sabong operations may rason na sila upang dakpin ang mga sanggot dito.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nakakasira ng personal na buhay, pamilya at career ang pagkalulong sa sugal.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sinabi ng Senado na pumayag na si Pangulong Duterte sa kahilingan ng suspension matapos ang pagkawala ng mga sabungero. Subalit ayon sa Palasyo wala pang pormal na dokumento ng pag-atas ng pangulo o ng Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR) ukol sa suspensyon.