CNPPO humingi ng tulong sa mga resort owners sa patuloy na pagpapatupad ng mga minimum standard health protocols at masugpo ang krimen sa probinsya

CAMARINES NORTE- Umapela ng tulong ang Camarines Norte Police Provincial Office sa lahat ng mga resort owners sa probinsya sa patuloy na pagpapatupad ng minimum standard health protocoals upang maiwasan ang higit pang paglaganap ng COVID-19 sa mga pampublikong lugar partikular na sa mga resort kung saan nagtitipon, nagdiriwang, at nagsasaya ang mga tao.

Itoy matapos ang isinagawang programa para sa panunumpa ng mga bagong tinalagang opisyales ng Camarines Norte Resorts Owners Association na binuo at pinangunahan ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL JULIUS D GUADAMOR

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Apela pa ng PNP, na kailangan nila ang kooperasyon at tulong ng bawat isa upang patuloy na magampanan at maiwasan na natin ang pagkalat ng virus

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nakiusap rin ang PNP ng pakikiisa  na mahadlangan at masugpo ang mga posibleng paglaganap ng mga krimen sa lalawigan.

Nangako rin ang mga ito na magiging katuwang ang pulisya sa pagpapaunlad ng turismo ng Camarines Norte at pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad ng mga turista at mga biyahero na papasok at lalabas ng lalawigan