63-anyos na lolo, arestado sa libong beses na panggagahasa sa sarili nitong mga apo sa Caramoran, Catanduanes

BNFM BICOL— Hawak na ng mga otoridad ang 63-anyos na lolo na itinuturong suspek sa panggagahasa sa kanyang sariling dalawang apo sa bayan ng Caramoran, Catanduanes.

Batay sa ulat ng Catanduanes Police Provincial Office, nakilala ang suspek na si alyas “Al”, isang mangingisda, residente ng nasabing bayan at ikinokonsiderang Number 1 Regional Most Wanted ng PNP-Bicol.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM kay PMaj. Emsol Icawat – Public Information Officer ng Catanduanes PPO, sinabi nitong nagsimula ang panghahalay ng suspek sakanyang dalawang apo nitong July 2016 hanggang November 2021.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Magpinsan ang dalawang biktima, kung saan ang isa sa mga ito ay nakaranas ng pang-aabuso simula ng siya ay 8 hanggang 13-anyos habang ang isa naman ay edad 9 hanggang 12-anyos.

Batay sa inilabas na warrant of arrest ni Hon. Genie G. Gapas-Agbada, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 42 sa  Virac, Catanduanes, nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek kabilang na ang 900 counts ng Statutory Rape, 382 counts ng Rape  at ang hiwalay pang 150 counts  of Statutory rape at 55 counts of rape para sa isa pa nitong biktima.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Napag-alaman rin na ang nanay ng isa sa mga biktima ay nag ta-trabaho sa Maynila nang mangyari ang insidente kung kaya’t batay sa salaysay ng mga biktima, halos araw-araw umano silang ginagalaw ng suspek.

Sa kasalukuyan, nasa kanlungan na ng ‘safe haven’ ang mag-pinsang biktima at sumasailalim sa interbensyon at karampatang atensyon upang matulungang makarekober sa insidente habang ang suspek ay nakapiit na sa Caramoran Municipal Police Station at nakatakdang iharap sa hukuman.###