Validity ng 2021 GAA, pinapa-extend ng ilang kongresista

Naghain ang ilang mambabatas ng panukala na naglalayon na mapalawig hanggang December 2022 ang validity ng national budget ngayong taon na aabot sa P4.5-trillion.

Sinabi ni ACT-CIS party-list Representative Eric Go Yap na malapit nang matapos ang taon ngunit meron pa rin mga programa, proyekto, at aktibidad na pinondohan ng 2021 General Appropriations Act, ang hindi pa natatapos.

Iginiit ni Yap sa kaniyang paghahain ng House Bill 10373 na kailangan ng mga Pilipino ang mga nasabing aktibidad at proyekto, lalo na ng most vulnerable sector.

Inihayag ni Yap, na nagsisilbi rin bilang House appropriation committee chair, na layon ng kaniyang panukala na tiyakin na magagamit pa rin ang 2021 funds sa mga importanteng mga proyekto upang matulungan ang ekonomiya na makabangon mula sa epekto ng pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *