Daily vaccination ng Pilipinas, muling lumampas sa 1-million mark

Inanunsyo ni National Task Force against COVID-19 strategic communications and current operations head Wilben Mayor na muling nalampasan ng Pilipinas ang one million mark ng daily vaccination rate noong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Mayor na umabot sa isang milyon ang mga nabakunahang indibidwal noong November 10 habang umabot naman sa 1.2-million ang naturukan noong November 11.

Ipinunto niya na nakakakita sila ng trend kung saan ay dumarami ang mga Pilipino na nagpapabakuna.

Pinuri naman ni Mayor ang mga lokal na pamahalaan sa bansa, partikular na ang mga lungsod ng Baguio at Iloilo, dahil sa pagkamit ng mga ito ng mataas na inoculation rates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *