PRRD, napili si Nograles bilang kaniyang acting spokesperson

Napili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang kaniyang temporary na spokesperson.

Ito ay matapos ihain ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang kaniyang kandidatura sa pagka-Senador.

Sinabi ng Pangulo kay Nograles sa isang taped briefing na otomatikong inaalis sa gobyerno ang kahit sino na naghahain ng certificate of candidacy.

Inihayag ng Pangulo na ayaw niyang pabigatin ang trabaho ni Nograles dahil alam niya na maraming paperworks ito na aasikasuhin.

Dahil diyan ay sinabi ng Pangulo na si Nograles muna ang magsisilbing tagapagsalita niya hangga’t wala pang nahahanap na kapalit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *