Vaccine Expert Panel, inirekumenda ang Sinovac bilang booster shot para sa mga fully vaxxed ng naturang brand

Inirekomenda ng Department of Science and Technology (DOST) – Vaccine Expert Panel ang Sinovac bilang booster shot para sa mga nakakumpleto na ng dalawang dose ng kaparehong brand ng bakuna.

Ayon kay DOST-Vaccine Expert Panel Dr. Rontgene Solante, base sa mga pag-aaral ay maganda ang naging resulta ng mga naturukan ng pangatlong dose ng Sinovac sa ibang bansa.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

May mga ibang bansa na umano ang gumagawa ng pagtuturok at mga pag-aaral sa paggamit ng Sinovac bilang booster shot partikular sa mga bansa sa Asya.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Paliwanag ni Solante na batay sa nakakalap nilang datos mas nagiging epektibo ang Sinovac kapag may pangatlong dose pa ito.

Mababatid na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin pinapayagan ng Department of Health (DOH) ang pabibigay ng booster shot sa mga Pilipinong fully vaccinated na.