Vaccination center, tinitiyak nang hindi biktima ng fixer ang mga foreign national na magpapabakuna

Tinitiyak na ng Local Vaccination Operations Center o LVOC ng Olongapo na hindi nagbayad ng pera ang mga foreign nationals na magpapabakuna kontra corona virus disease.

Ito ay pagkatapos na malamang may isang indibidwal sa lungsod ang kumakausap sa mga foreign national, kinukumbinsi na magpabakuna at sinisingil ng bayad.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, tinatanong na sa screening section ng vaccination site ang mga ito kung may binayaran kapalit ng pagpapabakuna at inaalam ang pagkakakilanlan ng fixer.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa ngayon, hindi pa nakikilala ng LVOC ang tinaguriang Mr. Fixer pero tiniyak ni Bustamante na hindi na nito mauulit pa ang ginawang modus.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of 1 person and text that says 'Wag isawalang bahala ang kati sa lalamunan! Aksyon agad! Poever Cells PowerCells6IN1 6IN1 Salabat Salabat Herbal Ginger Brew NtC Power Cells 6in1 Salabat Herbal Mix Ginger Brew www.a www.powercells.ph'