BICOL—Umabot sa 709 ang panibagong kaso ng COVID-19 na nadagdag sa Bicol region nitong nagdaang Sabado at Linggo.
333 ang naitala noong Sabado habang 376 naman kahapon kung kaya pumalo na sa 26,692 ang kabuuang kaso ng sakit sa rehiyon.
Sa pinakahuling tala kahapon, 196 ang bagong kasong nadagdag sa Camarines Sur kung saan 45 nito ay mula sa Naga City, 24 sa Tigaon, 15 sa Tinambac, 14 sa Baao, 13 sa San Jose, siyam sa Pili, walo sa Del Gallego, tigpito ang Calabanga at Libmanan, tig-anim ang Milaor at Nabua, tiglima ang Buhi at Pamplona, tig-apat ang Balatan at Lupi, tigtatatlo ang Bula, Canaman, Caramoan, Iriga City at Pasacao, tigdadalawa ang Goa, Minalabac at Ocampo at tig-iisa ang Cabusao , Lagonoy at Magarao.
57 ang bagong kaso sa Masbate kung saan 11 nito ay mula sa Milagros, tigpipito ang Aroroy, Cataingan, San Fernando at Uson, lima sa Mobo, apat sa Masbate City, tatlo sa Baleno, dalawa sa Mandaon at Placer at tig-isa ang Monreal at San Jacinto.
41 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 24 nito ay mula sa Sorsogon City, apat sa Casiguran, tatlo sa Donsol, tigdadalawa ang Bulan, Juban at Magallanes at tig-iisa ang Gubat, Matnog, Pilar at Prieto Diaz.
40 ang naitala sa Camarines Norte kung saan 11 nito ay mula sa Daet, siyam sa Labo, tig-anim ang Jose Panganiban at Talisay, tatlo sa Capalonga, dalawa sa Basud at tig-iisa ang Mercedes, San Lorenzo Ruiz at Vinzons.
Ang Albay ay may 21 bagong kaso kung saan lima ang mula sa Polangui, apat sa Malinao, tigdalawa ang Daraga at Legazpi City at tig-iisa ang Camalig, Guinobatan, Libon, Ligao City, Oas, Pio Duran, Rapu-Rapu at Tabaco City.
19 na kaso naman ang naitala sa Catanduanes kung saan pito nito ay mula sa Virac, apat sa San Andres, dalawa sa Bagamanoc at Baras at tig-iisa ang Caramoran, Gigmoto, Pandan at Panganiban habang mayroon namang dalawang kasong naitala na mula sa labas ng rehiyon, galing ito sa Valenzuela City.
Bunsod nito ay tumaas din ang aktibong kaso sa 5,185 (19.43%) habang pumalo na sa 20,553 (77.00%) ang total recoveries matapos madagdagan ng 19 ang na pawang mula sa Sorsogon.
954 (3.57%) na ang death toll matapos madagdagan ng dalawa na kapwa mula rin sa lalawigan ng Sorsogon.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm