TCWS number 1, itinaas sa ilang lugar dahil sa bagyong Jolina

Itinaas na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa ilang lugar dahil sa epekto ng bagyong Jolina.

Ayon sa PAGASA, kabilang sa mga nasa ilalim ng signal number 1 ay ang Eastern Samar, Dinagat Island, Siargao, at Bucas Grande sa Surigao del Norte.

Sinabi ng PAGASA na huling namataan ang bagyong Jolina kaninang alas-4 ng umaga sa layong 300 kph Silangan Timog-Silangan ng Guian, Eastern Samar o 310 km ng Surigao City, Surigao del Norte.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Dahil sa TD Jolina ay asahan na ang mahina hanggang katamtaman, na kung minsan ay malakas na pag-ulan at pabugso-bugsong hangin sa Northern Samar, Eastern Samar, Dinagat, at Siargao Island.

Mararanasan naman ang kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa Central Visayas, nalalabing bahagi ng Eastern Visayas, at sa nalalabing bahagi ng Mindanao.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, ay asahan na ang maaliwalas na panahon na may tyansa ng pulo-pulong pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, meron isa pang aktibong tropical cyclone ang namomonitor ng PAGASA sa labas ng PAR, partikular na sa layong 1,480 kilometers Silangan ng Visayas.

Inaasahan ng PAGASA na papasok ang naturang weather disturbance sa PAR sa loob ng 24-36 oras.